Umuusok ang isang bahagi ng Commonwealth Avenue nuong July 27, 2009 dahil sa himagsik ng sanlaksang mamamayan na naulanan man subalit hindi namatay ang init ng kanilang pakikihamok at pagbalikwas laban sa rehimeng US-GMA.
Malayo-layo rin ang binagtas ko para marating ang kinaroroonan ng bulto subalit nabuhayan ng loob ng muling makadaupang palad ang mga kasamang tuloy-tuloy na nagsusulong ng kilusan para sa pagbabago.
Sa sana ay pinakahuling SONA na ni GMA, hindi siya nagpatumpik-tumpik at patuloy ang mapagmaneobrang mga salita para panatilihin ang sarili sa poder ng kapangyarihan pagkatapos ng kanyang termino.
Handa na ang mamamayan sa laban....
2 comments:
Galing!
Nasaan yung nasusunog na effigy ni GMA?
naku, nahuli ako ng dating. Sunog na ata ng dumating ako. Pero daming kwento sa facebook kung paano na conceptualize yung effigy ng mga makabayang artists. Check out www.bulatlat.com aschua.
Post a Comment